Search This Blog

Thursday, February 19, 2015

Seven (7) things I want my Daughter to know…...

Why do we celebrate 7th birthday with festivities? This is the question I ask my wife for we can celebrate Mielle’s bday in the modest way. So why……. Curiously, I made some research to know its origination but I’m disappointed for there is no reliable source to back the Filipino tradition. I would like to quote Nell Winow on the importance of family celebration, and I quote “Life does not give you a choice about sad and scary. They seek you out and track you down. Happy occasions hide behind the illusion that there will be a better time and another chance. But there will never be another moment to share this experience with these wonderful people.” In the spirit of her 7th birthday, I have no physical or material gift to give to you – my child but instead I will give you seven (7) things you must know from this day forward… 1. Mahalaga ang Paglalaro. Huwag kang magmadali sa paglaki. Kung may araw na nawawalan ako ng panahon na makipaglaro sa iyo ng memory game, puzzle at slide and ladder, paalalahanan mo ako na minsan lamang maging bata. Responsibilidad namin ng Nanay mo na magkaroon ka ng masayang buhay bilang isang bata. 2. Magkaroon ka ng mabuting puso. Matuto kang mahalin ang inyong kapwa, sapagkat isinasalarawan ng iyong mga gawa ang mga bagay na natutunan mo sa tahanan. Makikita sa iyong sarili kung paano ka inalagaan at pinalaki ng iyong mga magulang. 3. Maging Magalang. Huwag mong kakalimutan ang pagsagot ng may “po at opo”, dahil ang batang mabait at magalang ay kinalulugdan ng diyos. 4. Matutong Magtanong. Kung may mga bagay na hindi mo maintindihan sa mura mong kaisipan, magtanong ka sa amin para masagot ang mga bagay na ito. Kahit pa, Mathematics. 5. Magkaroon tayo ng bukas ng komunikasyon bilang iyong Tatay. Kung may pagkakataon na may mga bagay na gumugulo sa iyong kaisipan at nangangailan ka ng mapagsasabihan o kahit kwentuhan lang. Narito ako, ang nanay, maari natin itong pag-usapan. 6. Mangarap. Ituloy mo lang ang pangarap mong maging Doktor, magtayo ng resort at restaurant. Magandang mangarap sapagkat ito ang magsisilbi sa iyong inspirasyon para mapagbuti pa ang pag-aaral at makatulong sa ibang tao. 7. Huwag matakot umiyak. Hindi lahat ng pagkakataon ay palaging maganda ang nangyayari sa iyong buhay, maaring bumaba ang iyong marka o kaya’y bumagsak sa mga examinasyon. Normal lamang ito, maari kang umiyak at hindi ito senyales ng kahinaan bagkus pinatitibay pa nito ang iyong kalooban na harapin ang iba pang pagsubok na darating. Always remember tatay, nanay, ate, ditshe and Ninang loves you. Happy Birthday, Maria Lourdes Beltran Gonzales

No comments:

Post a Comment